top of page

Profile

Join date: Sep 30, 2020

About

MGA SALITA


Paano nga ba masasambit ang mga salita?

Mga salitang mahirap ipakawala

Hindi ako sanay magbulalas

Ng mga letrang parang hindi makatakas


Parang sila ay naiipit

Sa dila kong tila namimilipit

Ito ba ay dahil sa ako ay takot

O dahil sa ako'y puno na ng poot


Hindi masambit ang mga salita

Nahihirapan baka lalong lumala

Sambit sa aking sarili baka hindi maintindihan

Ng mga taong wala naman talagang alam


Ako ay unti unti na nadudurog

Puso ko ay unti unting namumugmog

Hindi alam kung paano maisasabi

Mga salitang unti unti nang naisasantabi


Paano nga ba ako magkakaroon

Lakas ng loob kung saan paroroon

Mga salitang nais nang bitawan

Pero hindi alam kung sino kailan at saan


Sino ang makakaintindi

Ng mga salitang hindi masabi

Luha ay malapit ng pumatak

Dahil hindi na kaya ng puso at utak


Saan pwedeng ikawala

Mga salitang unti unting nawawala

Nililimot na may halong sakit

Dahil hindi alam paano maisasambit


Kailan kaya may dirinig?

Ng aking mumunting tinig

Na kapag ako ay narinig

Hindi husga ang mananaig




Ako ay may naaninag kung saan

Isang lalaki sabi nya Sya raw ay kaibigan

Handang makinig sa lahat ng hinaing

Kahit pa daw abutin ng gabing malalim


Ako ay nag-umpisang magkwento

Ng lahat ng bagay na naingkwentro

Hindi ko nakita ang panghuhusga

Bagkos ako ay mahigpit na niyakap Niya


Sabi nya ramdam Niya daw ang sakit

Lalong lalo na kung gaano kapait

Ang mahusgahan ng mismong mga tao

Dahil Sya raw ay minsan nang naipako


Ipinako ng Kanyang nilikha

Dahil lamang sa tatlong salita

Ang sabi ay Ipako sa Krus

Ipinako ang lalaking nagngangalang Hesus


Hindi ko lubos maisip sa panahon na iyon

Kung ano ang sinapit ng Panginoon

Sya ay ipinako dahil lamang sa salita

Ang tao sa kanya ay humusga





Nakita ko sa Kanya ang mga mata

Na kahit kailan ay hindi ko pa nakikita

Nagsasabing Ikaw ay minamahal

Ikaw ay bunga ng pagpapagal


Narinig ko sa Kanyang mga salita

Salitang nagpatulo ng aking luha

Sabi Nya ako raw ay pinatawad

Buhay na walang hanggan sa akin ay iginawad


Naisambit na din sa wakas

Mga salita unti unting nakatakas

Nasabi sa Kanya lahat ng nararamdaman

Pati lahat ng aking pinagdaanan


Sabi nya Sya ay handa ulit makinig

Kahit pa ubos na ang aking tinig

Pati luha raw ay Kanyang naiintindihan

Huwag mahi-hiyang Sya ay lapitan


Pagmamahal ay Kanyang igagawad

Dagdag pa ang pusong mapagpatawad

Huwag mahiyang lumapit sa Kanya

Sya na hindi kailan man manghuhusga




AbriLigaya

Writer
More actions
bottom of page